Feel Free To Comment!

by paolo macariola a.k.a. happy writer

Wednesday, June 16, 2010

Ikalawa ng hunyo

"Ikalawa ng hunyo"
by m.p. macariola

nabasa na naman ako sa ulan
sa pag iisa,
sa kalungkutan,
sa kawalan
ngunit di
mararamdaman ng tubig
ang aking pagluha

at di rin maririnig ng kulog
ang aking pagsamo
iiwan mo rin naman ako-

kasama ang liwanag na nilamon na
ng maiitim na ulap.
kasama ang asin ng mga natuyong luhang
umagos sa kanal

lilisan ka ng
marahan...
sisingaw na tila usok
katulad ng ulan
na siyang pumapatak
sa aking pangungulila

No comments: