Feel Free To Comment!

by paolo macariola a.k.a. happy writer

Wednesday, June 16, 2010

Hangal lang ang naibig kay kamatayan

"Hangal lang ang naibig kay kamatayan"
by m.p. macariola

Dinadalaw mo na naman ako
kamatayan,
ngayong nagsimula na ang tagulan,
nakataklob ang iyong mukha,
lumuluha ka kaya?

katulad ko habang
iniisip kung meron
bang karit na nakatago
sa loob ng iyong mahabang mangas,
o luhang natagas sa ilalim ng nakataklob
mong mukha,

kung may puso bang
natibok sa loob ng balabal mong hatingabi
at kung para ba ito sa akin.
ngunit binagsak mo lang ang iyong karit
at tinapos ang aking buhay
gamit ang isang halik
at sabay tumalikod ka't
umalis

di ko man lang nakita ang iyong mukha
o labi, ngunit
naramdaman ko naman
ang iyong luhang
mainit-init pa't
humahalo na rin
sa akin

at ngayon nga'y
lumisan ka na naman
ngunit di katulad ng dati'y
di ka na babalik sa akin
tapos na ang hatingabi at ang aking buhay
tapos na ang lahat sa atin

No comments: