Feel Free To Comment!

by paolo macariola a.k.a. happy writer

Sunday, September 14, 2008

"mapait ang ulan"

"mapait ang ulan"

naliligo ako sa ulan
upang mapuno ng tubig ang aking damit
at lalo pa itong yumapos sa aking katawan
dito ay mababasa ang aking buhok
at dahan dahang gagapang ang tubig sa aking mukha
tatahakin nito ang aking pilikmata, babagtasin ang pisngi
sabay magbababad sa aking labi -- mapait pala ang ulan

tumitingala ako
para mamasdan ang maiitim na ulap
hitik na pala sa anino at ingay ang paligid
kaya ipinipikit ko ang aking mga mata
upang mas namnamin ang pait
na humihilamos sa aking mukha

ako'y naligo sa ulan
maya maya'y pipigain ko na ang hinagpis na kumapit sa aking damit
huhugasan ang aking buhok ng nakakasunog na kemikal
at kikiskisin ng mabahong sabon ang aking katawan
pupunasan ko na rin ang aking balat at magpapalit ng damit
ramdam ko pa rin ang nanyaring paggapang sa aking mukha,
pagbagtas sa pisngi, pagbababad sa labi

muli akong maliligo sa ulan
pikit ang mata
yakap ang pait

Monday, September 1, 2008

the secret of summer's 23rd

this is for rodine cagampan


we descend unt this chamber
away from the sun
as we did on summer's 23rd
arms locked, gasping for breath

we accuse ourselves
of shaping our own pain
trying to chisel away the marks
left by our lips
the sun could not burn away
the stencils of the skin

and as the glamour spell reaches
its peak and whizzes out
the door, left ajar by the oglers
shall we seek redemption once more?

to engage once again in this hopeless dance
and renew the marks left by our lips
descending away from the sun
and again shape our own pain
as we did on summer's 23rd
arms locked, gasping for breath

inipong lagablab

this is for mhlq rodine cagampan


isang lawa ng apoy ang umagos sa aking likuran
naglalagablab, napakainit
ramdam ko ang pagkatuklap ng aking balat
at pagkaluto ng aking laman
na tumagos hangang buto
at tinupok ang aking kaluluwa
inalay mo sakin ang pinakamalayong bituin
taglay ang init na lulusaw sa pinakamatibay na kalasag
o kahit pa sa napakatigas na bato
iyong nilunod ang pighati sa lumalagitik na apoy
hangang sa itoy naging kulay pulang usok na lang

inaako ko ang lahat ng abo
pati na rin ang mga bagay na hindi pa tuluyang natutupok
masunog man itong mga daliri
maging sariling libingan man ang lagablab

akin na ring aangkinin ang apoy
ang uling at ang mga nagbabagang bato
ang pighati, kalungkutan, ulap, araw
luha, dugo, puso
ito'y aangkinin kong lahat
ito'y aangkinin kong lahat
hangang sa ako'y maging kulay pulang usok na lang
mula sa isang lawa ng apoy
na nangaling sa iyong mga mata