Feel Free To Comment!

by paolo macariola a.k.a. happy writer

Sunday, October 11, 2009

Oda

"Oda"
by paolo macariola


Tulad ng gabing di matapos tapos
ang ginaw ng mga palad nating di nagdadaop
samyo ng pangungulila'y humahagod
sa mga labi nating di nag aabot

tulad ng gabing di matapos tapos
ang pag andap andap ng mga anino
diling sa braso mo ay maigapos
hiling doon ang dilim ay maubos

tulad ng gabing di matapos tapos
ang yakap ng di maririnig na pagsamo
salamin ng iyong mata ay aagos
ako ang hangin na sayo'y yayapos

No comments: