Feel Free To Comment!

by paolo macariola a.k.a. happy writer

Sunday, October 11, 2009

Ikaw Cotabato

"Ikaw Cotabato"
by paolo macariola

Ikaw Cotabato
ay isang batong
bumulwak
mula sa karagatan ni bathalang
hinumla ng matalim ng dunong
iyong sinukat ang hanganan
ng iyong imortalidad
nang iyong tinawid
ang apatnapung araw ng mga ilog
at binagtas ang mga gubat
ng makabagong pamumuhay

Ikaw Coatabato
ay isang batong
araw araw bilanggo
sa mga gusaling bakal
na sumusubok sa iyong
inipong dunong
doon ka natipak at nagalusan
na parang aspaltong nilublob
sa ilang talampakang putik

Ngunit ikaw Cotabato
ay isang batong nagsisimula pa lang makita
ang hanganan ng iyong imortalidad
nang ikaw ay hiniwa
ng matalim na hangin ng dunong
ni bathala



(For a friend)

No comments: