Feel Free To Comment!

by paolo macariola a.k.a. happy writer

Wednesday, April 2, 2008

Pag-Ibig sa kalayuan

This is about distance

Iniibig ko ang kalayuan
malayo sa mga matang mapanghusga
doon ay walang makakakita
kindi ang buwan at mga talang
binalot na ng kadiliman

Iniibig ko ang kalayuan
Kung san namumulaklak
ang mga maselang orkidya
tinutugtugan ng limot nang mga kanta
kung saan ang bawat gabi
ay kasing rahan ng umaga

Iniibig ko ang kalayuan
na maselan at marahan
habang naghihintay na masinagan
ng parola ang iyong ngiti
sa gilid ng dagat, mula sa aking pampang
iniibig ko ang kalayuan
kung san naroon ka.

No comments: