Feel Free To Comment!

by paolo macariola a.k.a. happy writer

Wednesday, April 2, 2008

Inupahang Kwarto

I wrote this in filipino for my girlfriend this is about my room



Kung napapatigil ang oras sa bawat pagitan
ng pintig o sa sabay na pagtibok ng puso
ay dito ko iyon inabuso ng lubos
dito sa maliit naming mundo
sa aking inupahang kwarto

dito ko isinuko ang ilaw
na nagbibigay sakin ng paningin, ang paglisan nito
ang nabibigay sakin ng lakas na hagkan ang kanyang mga labi
at haplusin ang maliit niyang noo
gaano man kaingay ang katabing kalsada
na laging puno ng tao ay pipe itong maituturing
mula sa aming munting liko ng bahaghari.

dito ko isinantabi ang pagkahumaling sa sarili
makabisado lamang ang mga iba pang bahagi
ng kanyang pagkatao na hindi pa napapangalanan

dito ko kinalimutan ang musika
sa pagtitig ng matagal sa kanyang mga mata
habang nakikinig sa katahimikang umaawit
sa aming mga puso.
dito sa maliit naming mundo
sa aking inupahang kwarto

dito ko rin tinalikuran ang pagiging tao
upang maging isang bitwin na namamahinga sa mga ulap
habang ang hangin ay pinupunasan ang pawisan nang langit
dito ako ay bitwin at siya ang aking buwan
dito sa maliit naming mundo
sa aking inupahang kwarto

1 comment:

Anonymous said...

i like this one best...