Feel Free To Comment!

by paolo macariola a.k.a. happy writer

Monday, September 21, 2009

Menthol Lights

Menthol Lights
by paolo macariola

Hinubog ko ang usok
para doon makita
ang maganda mong mukha
at humithit muli
para maramdaman
ang paghagod ng lamig
na nakakapagpaalala sakin ng inyong ngiti
namula lalo ang baga
na tulad ng iyong mga palad
ay papaso lamang sa akin
ang pag iisip sayo
ay katulad ng paninigarilyo
na ang pangako lamang ay sakit

"mortido"

this is about death or wanting to die

"mortido"
by paolo macariola

ngayon ako ay paulit ulit na matutulog
mananaginip
at matutulog muli
papunta sa mas malalim pang panaginip
sa mas malalim pang pagtulog

doon ko gagawing haigaan ang mga ulap
at ilalim ng lupa
ang liwanag at dilim
ang langit at impyerno
doon ako muling mahihiga
sa mga malalim na panaginip
ng ilan daan pang panaginip

ngayon
ako ay paulit ulit na
matutulog
mananaginip
matutulog
mananaginip
paulit ulit

masilaw man sa liwanag
o kainin ng kadiliman
sunugin man ng impyerno ang mga ulap
malunod man sa bulate itong langit

akoy patuloy na mananaginip
sa mga ulap man o sa ilalim ng lupa
sa liwanag o dilim
langit at impyerno
paulit ulit

Tuesday, July 28, 2009

dead cats

"dead cats"
by paolo macariola

there are dead cats
that hide within the
urban jungles of manila,
some peep from the tires of unsuspecting jeep
while some swm amongst the dead fishes
in manila bay.
then there are the more fortunate dead cats,
i heard that there's a dead cat just under rizal's foot
at luneta, and another one hiding somewhere
between the stitches of the presidential couch.
of course no one knew their names
or where they came from,
no one knows what made them dead cats,
or why their owners left them in the first place
i never even knew how i became a dead cat myself
or where my owner is in the first place
how about you?
are you a dead cat yourself?
or are you one of the past owners
who never even remember owning and losing a dead cat?

bahagharing laot

its my first time writing something with a somewhat political theme hehe lolx

"bahagharing laot"
by paolo macariola


bahaghari kang dumapo
sa pinakataimtim na dalangin sa paglalayag
ng isang marinerong pumapalaot
sa madaling araw

bitbit ang lambat na
mangangahas sumisid at mang akit
ng mabibigat na isdang ipambibili
ng mga pangarap
sa lupang kailanmay di nagbigay
ng sapat na ani
para sa kumakalam na sikmura
diligan man ng pawis o dugo

ikaw ang bahagharing
inaasahang magpakita
matapos bumaha ng
magsasaka, marinero at mangagawa
sa bukid ng karapatang
kinakalbo sa sapilitang pag ani at marahas
na pagbayo sa boses ng mga pangkaraniwang tao

bahaghari kang hangang ngayoy nabubuhay lamang
sa mga taimtim na dalangin
ng isang marinerong bansang
nalulunod sa di maiwasang pagtalikod
sa takipsilim ng pangarap

Tuesday, July 7, 2009

"CigarEtteS"

"CigarEtteS"
by paolo macariola

Your embers
are crimson butterflies
that fluttered into the far side
of the moon
leaving a dead stub of nicotine
to drown in the secretive gutter of memories

Kape para sa magdamag

"Kape sa magdamag"
By paolo macariola


Binuhos ko
ang isang paketeng nescafe
sa kaldero ng kumukulong tubig
sa pagbabakasakaling
ang pagsasama ng pait at init
ay mas may kakayahang
pumaso at lumapnos ng labi
isasama ko na rin
ang isang basong asukal
sa kagustuhang mapagtakpan
ng tamis ang kumukulong pait
huli ko namang ihahalo ang gatas
kahit na alam kong
kahit kaila'y hindi nito mapapaputi
ang mga bagay
na likas ng maitim

mabilis ko itong hahaluin
pakaliwa
pakanan
pakaliwa
pakanan
hangang sa mapagisa ko
ang nescafe, asukal at gatas
hangang mapagisa ko
ang pait, tamis at pagpapangap

tapos na akong magtimpla
ng kape para sa magdamag
ngunit wala ka na
sarili ko nalang pala
ang siyang kukumbinsihin
na masarap ang pinaghalo halong
nescafe, asukal at gatas
mag-isa ko nalang rin pala
sisimulang ubusin
ang tinimpa kong pait, tamis at pagpapangap

Side glances

"The unravelling"
by paolo macariola

role
playing
as a
mathematician
i try
to unravel
the
secrets
of our
fractional
side
glances
that spawns
galaxies
and blackholes
that will implode
into
a
massive
big
bang
created
by
the
void
of the
moment
you
start
to
look
away