Feel Free To Comment!

by paolo macariola a.k.a. happy writer

Tuesday, July 7, 2009

Hele

"Hele"
by paolo macariola

hinel ka ng kadilimang
di maikubli sa lihim
ang mga aninong
kumukumot sa gabi
kasama ang mga natuyong rosas
o durog na paru-paro
na siyang namumukadkad
sa mga panahong hinabi
ng aking pangungulila

malamig ang hanging
naghele sayo
pabalik sa aking ala-ala

ikaw ay isang kathang isip
na di nakadaragdag
o nakababawas sa aking pagiisa
bagwis ay isang
pagheleng nabuo mula sa ritmo
ng mga sinok
sigaw
at buntong hininga

hinele mo sakin
ang lihim ng pagiisa

marahan

patungo sa isang bangungot