Feel Free To Comment!

by paolo macariola a.k.a. happy writer

Wednesday, December 17, 2008

Pagtatagpo

I.

Matalinghaga ang mga matang kinuyom sa isang ipu-ipo
Na binuhusan ng lusak na nagmula sa naglahong buwan
Ako’y isdang nilambat na nagnais na umahon sa dagat
Ng ako’y ikulong mo sa pampang ng iyong mga braso

II.

Tila salaming nalunod sa hamog ang mga matang
Dinaanan ng iyong hiningang korales
Nagkikiskisang bato ang ating mga labi
Na nagiintay sumilab

III.

Mabalasik ang pagbabangaan ng mga planeta ng ating katawan
At mabilis na nabasag ang mga nagpipigil na korales
Matalinghaga ang mga matang kinuyom sa ipu-ipo
Na bumabalot sa paghingal ng katahimikan

No comments: