"Princess Dacles: isang malayang pag-agos"
by paolo macariola
ngayon ko lang naintindihan ang tunay na kalungkutan
hindi pala apoy ng metapora ang dala nito
kundi ang kawalang laman
at pagka bakante ng emosyon
naglalakad ako sa lupa kahit pa ako'y wala na
wala na akong maisip na mga ibang bagay
kungdi ang palad mo sa aking pisngi
ang iyong pawis sa aking balat
ang ating pagpapalitan ng hininga
ang malamig mong boses....
ganito pala ang kalungkutan
maihahalintulad sa isang malayang pag agos
sa isang malayang pagkaubos ng nilalalaman
ang masakit na pagkamanhid
ang iyong paglisan
hangang ngayo'y iniintay ko paring marinig ang yabag mo
sa labas ng aking pintuan
malayang umagos ang kalungkutan
gumagalaw sa aking ugat
ang mga lubak lubak na ulap ng kahapon
na hindi maubos ubos
tulad sa tubig ng talon
makulay ang mga panaginip ng pisngi, labi, paghinga
at tulad sa tubig ng talon
ang pag-agos ng luha
ang mabigat na pagtibok ng puso
ang sakit
ang ala-ala
hindi maubos ubos
Saturday, May 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment