Feel Free To Comment!

by paolo macariola a.k.a. happy writer

Sunday, February 1, 2009

Sinta

"Sinta"

Ikaw ang bahaghari ng delubyong
sakop sa balabal ng anino
ang siyang kadilimang
kumukuyom sa tinta ng aking panulat
at ang katahimikan
sa kalungkutan ng ambon

ikaw ang paghele ng isang libong gabing
nagbibigay liwanag sa anino ng mga oda,
ang awit at ang ingay,
ang bulaklak at ang tinik

ikaw ang tubig at ikaw ang apoy
ang pagsilab at pagkalunod sa alaala
ikaw ay ako rin,
ang langit at impiyerno
ang simula at katapusan,
buhay at kamatayan ng aking pagkamakata

No comments: